Simbahang Katoliko hindi masisira kahit ng ‘milyong Rodrigo Duterte pa yan’ – all bishops





Advertisement


Kumpiyansa ang ilang obispo na mabibigo lamang kahit milyong Rodrigo Duterte pa ang magtatangkang sisira sa Simbahang Katoliko.

Reaksyon ito ng mga obispo kasunod ng madalas na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko kung saan pinakahuli ang pahayag nitong magiging walang silbi na ang Simbahan makalipas ang 30 taon dahil umano sa pag-abuso ng mga pari at obispo.

Sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, mismong si Panginoong Hesukristo ang tumiyak noon kay Pedro na kahit ang impiyerno ay walang magagawa para sirain ang Simbahan.

Ayon naman kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, ‘wish’ o kagustuhan lamang ito ni Pangulong Duterte, kagaya ng ibang naghangad at masigasig ding nagtangkang wasakin ang Simbahang Katoliko pero pawang bigo sa loob ng 2,000 taon.

Sa panig naman ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, inihayag nitong imbes na magpapahina, lalo lamang magpapalakas sa Simbahan ang mga tinatanggap nitong pag-atake.


Advertisement


Iginiit ng obispo na kahit ang mga kasalanan at kahinaan ng mga miyembro ay hindi magawang sirain ang Simbahan dahil hindi mga tao, pari o mga obispo ang nagpapanatili nito, kundi tanging si Hesus.

“The Lord Jesus said to Peter that not even the gates of hell can destroy the Church. Napoleon thought he could destroy it but failed! A million of Duterte’s will never succeed in harming it. Everything will be passé but the Church will give way only to the dawning of God’s Kingdom, whose image on earth is the Catholic Church,” ani Bishop Bastes.

“That is his wish. Many others before wished and tried vehemently to put an end to the Church. They never succeed these two thousand years,” ayon naman kay Bishop Arguelles.

“A lot of people have said the same thing many centuries ago. Some have even tried to destroy the Catholic Church. Well, it appears that not even the sins and weaknesses of its own members could destroy the Church (so far) … She is like a mustard seed, or a little lamp in the dark, or a pinch of salt in a pot of stew, or a little leaven in a mass of dough. She remains in existence, not because of us, or perhaps even in spite of us. Only Jesus Christ keeps the Church alive. I mean to say that in all humility,” ani David.



Sponsor




PLEASE LIKE OUR OFFICIAL FACEBOOK PAGE


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...

No comments:

Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.