Mag-asawang Syrian national na miyembro ng ISIS, nahuli sa Taguig





Advertisement


Agad umanong ipapa-deport ng pamahalaan ang dalawang nahuling miyembro ng teroristang grupong ISIS dahil na rin sa kahilingan ng bansang Kuwait.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, ang mag-asawang suspek na terorista ay nahuli sa BCG sa Taguig matapos makatanggap ng intelligence report ang mga otoridad na miyembro ng ISIS ang dalawa.

Nakilala ang mga ito na sina Hussein Aldhafiri at asawang si Rahaq Zina na parehong Syrian national.

Ang suspek na si Aldhafiri ay sangkot umano sa manufacturing ng pampasabog at kinumpirma ng pamahalaan ng Kuwait na miyembro ang mga ito teroristang grupong ISIS.


Advertisement


Nakapasok ang dalawa sa bansa mula sa bansang Qatar at napabiyahe na rin daw sa Davao noong Enero.

Kasunod ng pagkakahuli sa dalawang terorista nagpasalamat naman si Aguirre sa mga immigration officers na naging alerto para mahuli ang dalawa at mapigilang makapaghasik ng kaguluhan.

Ang pagkakahuli sa dalawa ay nagpapakita lamang umano ng competence at dedication ng kanilang personnel.



Sponsor

Samantala, sinabi naman ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na pinaplano umano ng mga suspek magsagawa ng pamomomba sa isang lugar sa Pilipinas o sa bansang Kuwait.

Hindi naman sigurado ang BI kung ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nakapasok na ISIS sa bansa.

Pansamantala munang ilalagay sa kustodiya ng PNP o Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mag-asawang terorista.




PLEASE LIKE OUR OFFICIAL FACEBOOK PAGE


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...

No comments:

Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.