Breaking! Hostage taking ng adik na tatay umabot sa 18 oras





Advertisement


CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot na sa 18 oras ang hostage crisis sa isang ama laban sa kanyang 7 anyos nga anak sa Kalye Apeke, Brgy. Bugo, lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Mardy Hortillosa, nagsimula ang insidente sa ganap 2:30 ng hapon araw ng Miyerkules ng biglang kinandado ng suspek ang kanyang sariling anak sa kanilang kwarto dala ang isang mahabang kutsilyo.


Advertisement


Kinilala ang suspek na si Richard Roque, 32 ayos, hiwalay sa asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa report, posibleng lango sa droga ang suspek habang naganap ang panghohostage.

Humaba pa ang negosasyon sa mahigit 12 oras at humaba rin ang demand ng suspek kagaya ng iced tea, bubble gum at sigarilyo.



Sponsor

Iilan sa mga nakipagnegosasyon sa suspek ay sina Police City Dir Roy Bahian at mga opisyal ng nasabing barangay.

Hawak na ng pulisya ang dating asawa ng suspek at pinag-aaralan pa nila kung maaari ba nilang gamitin si Gng. Roque upang kausapin at mailigtas ang kanilang anak.




PLEASE LIKE OUR OFFICIAL FACEBOOK PAGE


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...

No comments:

Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.