• Breaking News

    Mag-asawang negosyante na Duterte, panibagong biktima ng pagdukot sa Zamboanga





    Advertisement


    ZAMBOANGA CITY – Biktima ng panibago na namang pagdukot ang negosyanteng mag-asawa sa may Sitio Tabuk, Barangay Sta. Maria sa munisipyo ng Siocon sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

    Ayon kay Siocon police chief, C/Insp. Joseph Reales Maulad, nangyari ang insidente dakong alas-7:45 kagabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-asawa.

    Kinilala ng opisyal ang mga biktima na sina Jose Duterte, 62, at ang misis nitong si Jesica Barason-Duterte, 52, mga coconut farmer umano sa lugar.


    Advertisement


    Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na bigla na lamang pumasok ang nasa pitong mga armadong lalaki na naka-uniporme ng pulis at puwersahang dinala ang mag-asawa.

    Isinakay umano ng armadong kalalakihan ng mga biktima sa speed boat papunta sa hindi pa malamang direksyon.

    Nagpapatuly pa ngayon ang joint operation ng militar kasama ang mga pulis laban sa mga suspek.

    Pahirapan din umano ang pagkuha ng mga otoridad sa pagkakailanan ng mga suspek dahil naka-bonnet ang mga ito nang umatake sa lugar.



    Sponsor

    Agad ding nakaalis ang mga ito makalipas lamang ang ilang minuto.

    Hindi pa masabi ngayon ng mga otoridad kung isa na naman itong insidente ng kidnapping pero pareho umano ang ginamit na istilo ng mga suspek sa mga nauna na ring insidente ng kidnapping sa nasabing lalawigan at sa mga karatig na lugar.




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    Social Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers