• Breaking News

    Lascañas said: Nagsinungaling ako sa takot sa seguridad ng aking pamilya





    Advertisement


    Palihim at maagang pumasok ang team na nagdala kay dating SPO3 Arthur Lascañas sa gusali ng Senado.

    Pasado alas-7:00 pa lang ng umaga ay nasa compound na ito ngunit hindi na nagpakita sa mga nag-aabang na mamamahayag.

    Pasado alas-10:00 ng umaga ng magsimula ang pagdinig sa pangunguna ni Sen. Panfilo Lacson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.


    Advertisement


    Agad na nagbabala si Lacson kay Lascañas sa paiba-iba at pagsisinungaling na baka masayang lamang ang panibagong pagdinig ngayon.

    Nagbanta rin ang senador na maari itong kasuhan tulad na rin sa mga naging testigo noon sa Senado na nagsinungaling.

    Nagpaliwanag naman ang self-confessed leader ng Davao Death Squad (DDS) na kaya siya nagsinungaling noong nakaraang taon sa Senate hearing ay dahil sa natatakot siya sa kanyang buhay lalo na sa mangyayari sa kanyang pamilya.



    Sponsor

    Sa unang bahagi ng testimonya ni Lascañas ay ipinakwento sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes ang pinagmulan sa pagkakabuo ng DDS.

    Iginiit din niya na totoo ang mga naging pahayag sa Senado ng kanyang dating kasmahan na si Edgar Matobato.




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    Social Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers