• Breaking News

    Trillanes, itinanggi ngayon ang malaking pondo sa paglutang ni SPO3 Lascanas





    Advertisement


    Mariing inalmahan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang bintang ni Communication Sec. Martin Andanar na namudmod ng pera ang kampo ng mambabatas para lamang mapag-usapan ang paglutang ni SPO3 Arturo Lascanas.

    Matatandaang si Lascanas ay humarap sa press conference para idiin si Pangulong Rodrigo Duterte na lider umano ng Davao Death Squad (DDS).


    Advertisement


    Sinusugan din nito ang mga naging akusasyon dati ni Edgar Matobato laban kay Duterte, pati na sa kaniya at sa ibang miyembro ng DDS.

    Sa pahayag ni Trillanes, tinawag nitong irisponsable ang pahayag ni Andanar dahil hindi raw nila gawain ang manuhol para pag-usapan.



    Sponsor

    Kanina ay una nang nagbigay ng pahayag ang kalihim, kung saan inaakusahan nito ang hanay ng mga mamamahayag na tumanggap daw ng $1,000 o P50,0000 para i-cover lamang si Lascanas.

    Sa panig naman ng Senate media, pinabulaanan nila ang akusasyon ni Andanar.

    Himutok pa ng ilan, sana ay kinumpirma muna ng opisyal ang malisyosong impormasyon bago isinapubliko, lalo’t dati rin naman itong naging media practitioner.




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    News Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers