• Breaking News

    Koko Pimentel said: Pag-aresto kay De Lima, ‘di haharangin ng Senado


    Hindi haharangin ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III kung aarestuhin man at ikukulong si Sen. Leila de Lima sa regular na kulungan, sakaling lumabas na ang warrant of arrest sa kaso nitong may kaugnayan sa iligal na droga.




    Advertisement


    Sinabi ni Pimentel na hindi exempted ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkakabilanggo ng anim na taon pataas.

    Ipinaliwanag pa ng Senate president na ang drug cases ay hindi konektado sa mandato ng isang senador, kaya’t hindi maaring isampa sa Sandiganbayan ang kaso kapag nagkaroon na ng resolusyon ang prosecutor.


    Advertisement


    Aniya, kapag isinampa na ang kasong kriminal sa senadora at kung magpalabas ng warrant of arrest ang korte ay hindi ito maaaring harangin ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

    Iginiit ni Pimentel na ang hindi lang maaring arestuhing mambabatas kapag nasa panahon ng sesyon ay ang may kaso na may parusang anim na taon pababa lamang.



    Sponsor

    Una rito, nagpatawag kanina ng press conference si De Lima, kung saan sinabi nito na napag-alaman niyang anumang oras ay magpapalabas na ng resolusyon ang DoJ sa mga kasong isinampa laban sa kaniya at posibleng mag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

    Magugunita na noong nakaraang taon ay magkahiwalay na nagsampa ng kaso sa DoJ ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ilang dating NBI officials at high profile inmates na si Jaybee Sebastian.




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    News Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    1 comment:

    1. ikulong na yan! wag nang pagtagalin baka tirahin pa ng iba yan

      ReplyDelete

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers