• Breaking News

    Duterte kay Trillanes: ‘Ikaw ang tulisan; dalhin sa korte alegasyon mo’





    Advertisement


    Binuweltahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa pagbuhay nito sa umano’y tagong P2 billion bank account ng pangulo.

    Sa kanyang inilabas na pahayag kagabi, tahasan nitong tinawag si Trillanes na tulisan, mahangin at mayabang.

    Sinabi ni Pangulong Duterte, kung mapapatunayan ni Trillanes ang kanyang bintang kahit kalahating bilyon man lang ng sinasabi nitong P2 billion ill-gotten wealth, agad siyang magbibitiw sa pagkapangulo.


    Advertisement


    Ayon kay Pangulong Duterte, pinapayuhan niya si Trillanes na dalhin sa korte ang kanyang alegasyon para magsampa ng kaukulang kaso imbes puro daldal na wala namang laman.

    Kasabay nito, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na hindi nakapagtataka kung mayroong pera ang anak nitong si Davao City mayor Sara Duterte dahil abugado at may kliyenteng nagbabayad sa kanyang serbisyo.

    Inihayag din ng pangulo na ang kanyang live-in partner na si Honeylet ay 18 taon na sa donut business at nagsu-supply ng karne ng baboy sa limang malls sa Davao kaya malaki umano ang kanyang pera.



    Sponsor

    Lumalabas daw na ignorante sa banking business si Trillanes dahil sa mga inilabas na day-to-day banking transanctions ni Honeylet na may sariling negosyo.

    Kinantiyawan pa ni Pangulong Duterte si Trillanes na nag-mutiny pa noon pero wala naman daw bayag at nakakahiya daw ang ginagawang pagkamal ng pera sa mga illegal retainers sa Senado.

    “I would advise Trillanes to go to court and file the proper case against me and advise him further to stop opening his mouth when he has nothing to say anyway. This is amusing how Trillanes came up with his accounting. He even included day-to-day banking transactions of my partner, Honeylet. This just shows his ignorance with regards to the banking business, the people who have personal businesses. He must also have forgotten that my daughter Sara is a lawyer by profession and that she earns from this and that and she has clients who actually pay for her services and not from illegal retainers which Trillanes is so used to so doing,” ani Pangulong Duterte.

    “Trillanes, alam mo, ‘yang si Honeylet started her donut business 18 years ago. She supplies meat sa five malls dito sa Davao, siya ‘yung nagsusupply ng karne ng baboy. Diyan kalaki ang pera ng babaeng ‘yan. Matiyaga. Hindi kagaya mo, ambisyoso. May mutiny-mutiny ka pa, wala ka naman palang bayag tapos taas kaagad ang kamay pagdating ng pulis. Nakakahiya ka sa totoo lang. Ngayon, kung pamilya mo gutom noon o ngayon, huwag mo kaming isali. Hindi kami kasing malas sa pamilya mo. Hindi kami mahirap rin. Tatay ko governor noon, may iniwan sa amin. Ikaw? Anong naiwan sa iyo? Hangin pati yabang. Tulisan ka, sa totoo lang.”




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    News Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers