• Breaking News

    Yaman ni SPO3 Sta. Isabel nasa P20.3-M - PNP





    Advertisement


    Aabot umano sa P20.3 million ang net worth ng pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.

    Sa pagdinig ng Senado sa pagpatay ng ilang pulis sa Korean businessman, sinabi ni Chief Supt. Roel Obusan, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) aabot sa P17.3 million ang net worth na idineklara ni Sta. Isabel sa Philippine National Police (PNP).

    Mayroon itong P14.4 million na assets at real at personal properties na nagkakahalaga ng P2.9 million noong 2015.  


    Advertisement


    Mayroon ding idineklara si Sta. Isabel na limang bahay at mga lote na matatagpuan sa Bagombong, Caloocan at apat na palapag na commercial building sa Cubao, Quezon City.

    May idineklara din itong apat na sasakyan na kinabibilangan ng 2014 Toyota Hi-Lux, 2012 Toyota Vios, 2014 Honda tricycl at 2012 Kawasaki tricycle at liabilities na nagkakahalaga ng P3 million.

    Pero sa pagtatanong ni Sen. Grace Poe, lumabas na aabot lamang sa P8,000 ang sahod ni Sta. Isabel kada buwan sa pagiging pulis na may ranggong SPO3.



    Sponsor

    Pero dumipensa naman ito dahil marami raw itong loan at magaling din ang asawang si Jinky na law graduate sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo.

    "Sa sipag niya dahil sa insurance po, commission-based diyan kaya napalago yung business namin, lumaki po," ani Sta Isabel.

    Dagdag ni Sta. Isabel, nag-o-offer din sila ng insurance at nagmamay-ari ng branches ng Western Union at Bayad Center at lotto outlet.

    Pero sa kabila nito, hinimok naman ni Senator Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee ang PNP na ipursige ang financial investigation kay Sta. Isabel.

    "Importante yan eh. Pag specialized unit o special unit ang pupuntahan, dapat hindi lang partial background investigation, complete background investigation [dapat] and record check, diba?. There's a lot to learn from this bitter lesson pero we have to learn from it and moving forward, i-correct na natin," wika ni Lacson.




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    News Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers