• Breaking News

    Snatcher, isinauli sa biktima ang hinablot na bag na wala namang laman na pera





    Advertisement


    Hindi gaya ng ibang snatcher na kumakaripas ng takbo palayo sa biktima kapag nakuha ang kaniyang pakay, ang isang snatcher sa Quezon City, nahuli-cam na tumakbo pabalik sa biktima para isauli ang inagaw niyang bag.

    Sa ulat ni Cesar Apolinario sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, ipinakita ang kuha sa CCTV footage sa Cambridge St, Brgy. E. Rodriguez, Cubao, kung saan isang pampasaherong jeepney ang tumigil para magsakay ng pasahero.

    Maya-maya lang, makikita ang pagkilos ng isang lalaki na nakaupo sa hulihang bahagi ng jeep na tila dumukwang at mabilis na bumaba bitbit ang isang maliit na bag.


    Advertisement


    Mabilis din niyang sinilip ang laman ng bag at pagkatapos ay biglang bumalik sa kinaroronan ng jeep na kaniyang pinanggaling.

    Dito na niya nakasalubong ang lalaking biktima at ibinalik ang inagaw niyang bag na puro resibo lang ang laman.

    Napag-alaman na kolektor mula sa isang kumpanya ang may-ari ng bag na kaagad na kinuha mula sa snatcher ang kaniyang gamit.



    Sponsor

    Ang snatcher na nakilalang si Froilan Capinig, tumakbo muli upang tumakas pero hinabol siya ng biktima at nahuli ng mga naalertong barangay tanod.

    Paliwanag ni Capinig, galing siya sa probinsya at nagtungo sa Maynila para magtrabaho. Mayroon daw nangursunada sa kanya at naisip niya kasabwat ang biktimang nakatabi niya sa jeep.

    Akala raw niya ay may baril ang bag na kaniyang inagaw.

    Kahit ibinalik ang kaniyang ninakaw, nahaharap pa rin siya sa reklamo at mananatiling nakadetine sa himpilan ng pulisya.




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    News Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers