• Breaking News

    May death threats kina SPO3 Sta. Isabel - sabi ng (PAO) Public Attorneys Office





    Advertisement


    Kinumpirma ng Public Attorneys Office (PAO) na may banta sa pamilya ni SPO3 Ricky Sta. Isabel matapos madawit ang pulis sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

    Sa isang press conference sa Quezon City sinabi ng PAO sa pamamagitan ni Atty Mario Dionisio, na ngayon ay may mga natatanggap na banta ang asawa ni Sta. Isabel na si Jinky.

    Dahil dito, kumuha na raw ng security guard ang pamilya ng akusadong pulis para masiguro ang seguridad sa kanilang tahanan.

    Maalalang si SPO3 Sta. Isabel lamang ang nasa ilalim ng kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) bago inilipat sa PNP custody.


    Advertisement


    Una rito dumulog si Jinky sa Department of Justice (DoJ) pero tumanggi si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na idetalye ang kanilang usapan.

    Kinalaunan ay lumabas ang mga report na may hawak si Jinky na mga ebidensiya laban kay Atty. Rafael Dumlo kabilang na rito ang kanilang recorded conversation.

    Si Dumlao ay idinawit din sa pagpatay sa negosyanteng Koreano.

    Una rito sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na i-a-assess ng PAO si Sta. Isabel kung nais nitong mag-avail ng Witness Protection Program (WPP) ng DoJ.

    Pero tahimik naman ang DoJ sa pagbibigay ng witness protection kay Jinky lalo na't pangunahing suspek ang asawa nito sa pagpatay kay Jee.



    Sponsor




    WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

    PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

    News Media PH

    Share to Facebook Share to Twitter
    Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

    Loading...

    No comments:

    Post a Comment

    Google+ Badge

    Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.

    Google+ Followers