Col.Rafael Dumlao, pinapahanap na ni PNP chief Bato!!





Advertisement


Pinahahanap na ni PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa sa kanilang mga tauhan si P/Supt. Raphael Dumlao, matapos itong umalis sa Camp Crame nang walang sapat na pahintulot.

Si Dumlao ang police officer na inaakusahang kasama ni SPO3 Ricky Sta. Isabel nang umano'y dukutin at patayin ang Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Dela Rosa, pulis pa rin si Dumlao kaya kailangan nitong sumunod sa mga patakaran ng PNP.


Advertisement


Una rito nitong nakalipas na Sabado ng madaling araw ay nagkatensyon sa Camp Crame nang magpumilit na umalis ang police colonel sa kustudiya ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) at Anti-Kidnaping Group (AKG).

Tiniyak naman ng PNP chief na bibigyan ng tiyansa si Dumlao na maipagtanggol ang kaniyang sarili, lalo't isa itong abogado.

Samantala, hindi naman sang-ayon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa paggamit ng PNP ng warrant of arrest na "Dumlao" lamang ang nakalagay para kay P/Supt. Raphael Dumlao.



Sponsor

Ani Aguirre, mahalagang maikonsidera ang technical issues upang huwag masayang ang anumang kaso.

Matatandaang kinuwestyon ng police colonel ang warrant ng PNP dahil hindi naman daw niya pangalan ang nakasulat doon.

Pero dahil hindi makakakuha ng ammended warrant ang pulisya dahil holiday para sa Chinese New Year at araw pa man din ng Sabado, wala umanong magagawa ang PNP kundi maghanap ng ibang options.




WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

News Media PH

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...

No comments:

Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.