WATCH: Pagtatanggol ni Trillanes kay De Lima hindi pinalusot ni Lacson

Sinalungat ni Sen. Ping Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang obserbasyon ni Sen. Antonio Trillanes na dapat sisihin ang pangulo dahil sa pagpkakanlong nito sa suspected drug lord na si Peter Lim.

 Nauna nang sinabi ni Trillanes na hindi pwedeng idiin sa drug trade si Sen. Leila De Lima dahil sa nakasama lamang niya sa litrato sa Baguio City ang drug lord na si Kerwin Espinosa.




Advertisement


Sinabi ni Espinosa at Ronnie Dayan na sa Baguio City naganap ang pagbibigay ng pera ng drug lord kay De Lima pero magkaiba sila ng taon na sinasabi kung kailan naganap ang payoff.

Sa pagdinig ng Senado ay ipinakita ni Trillanes ang litrato ni Duterte kasama si Co kung saan ay kanyang sinabi na pwede na rin itong gamitin na patunay laban sa pangulo.



Advertisement


Kaagad namang sumagot si PNP Chief Ronald Dela Rosa at sinabi niyang gumagawa na sila ng malalimang  imbestigasyon laban kay Co at hindi rin umano alam ng pangulo na sangkot ito sa droga.

Binigyan din umano sila ng instruction ng pangulo na patayin si Co kapag napatunayang drug lord at lumaban sa mga otoridad.




Sponsor

Sinabi naman ni Lacson na hindi pwedeng ikumpara ni Trillanes ang litrato nina Espinosa at De Lima sa larawan nina Duterte at Co dahil wala namang inilabas na sworn statement si Co na nagsasabing nagbigay siya ng pera sa pangulo.

Kabaliktaran umano ito ang pahayag nina Dayan at Espinosa na nagsabing tumanggap ng drug money si De Lima.




Source:Dyaryo.net

WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

News Media PH

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...

No comments:

Follow Us For More Latest News Updates. Powered by Blogger.